Sunday, December 23, 2012

Choose Your Own Adventure

Filipino is such a prolific language. Kaya mahirap magsulat gamit ang wikang ito. This is probably why Raft3r's posts are written in English.

Si Bulakbolero magaling magsulat, lalo na sa wikang Filipino. Iba talaga ang dating kapag sariling wika ang gamit. Mas malalim. Mas may dating. Mas astig. 

Yan din si Bulakbolero.

----------

Sa tingin ko ang pinakamahirap sa buhay ay ‘yung pagpili. Pagpili ng mga gusto natin... Pagpili ng tao na gusto nating makasama panghabang buhay, pagpili ng mga bagay na gusto nating makuha at pagpili ng kung san tayo magiging maligaya. Kung laro lang siguro ang buhay, madami nang game over. Madami ng sumuko.

Para lang din kasi yang regalong matatanggap mo sa exchange gift. May wish list ka na, alam mo na yung gusto mo. Pagdating ng takdang panahon na bigayan na ng regalo saka darating yung pagsubok.

1) Posibleng hindi ang gusto mo yung ibibigay sa’yo.

2) Natanggap mo yung pinagdarasal mo, pero nung nasa’yo na di mo pala sya trip. Di ka kunteto. Iba ang pakiramdam pag hawak mo na.

3) Sobrang saya mo na nakuha mo yung regalo na hiling mo, pero biglang may umagaw (bad santa/white elephant pala ang labanan)

Ganyan talaga ang buhay. Uncertain. Walang kasiguraduhan. Wala kang clue kung anong makukuha mo. Kung ano mangyayari next. Ang mahalaga lang naman talaga sa bandang huli. Kung ano yung magiging hakbang mo sa susunod na kabanata.

Kung tatagal ka ba?

Bulakbolero

18 comments:

Anonymous said...

This is what I LOVE about Bulakbolero. Insightful without being overly complicated and his metaphors are always interesting. :)

Raft3r said...

anonymous, Hehe. Galing, diba?!

John Ahmer said...

Asteeg. Eh matatapos na ang Adventures of a single guy. Di na tatagal. Siguro, Adventures of a married Man ang next, Raft3r? =P

Raft3r said...

ahmer, Handa naba kayong humigop ng mainit na sabaw? Hehe

Archieviner VersionX said...

I miss bulakbolero. Ako tagalog din ang blog ko. Pero kahit tagalog mali-mali parin ang grammar ko. haha.

Galing naikumpara ang pagpili sa exchange gift. Ang pagpili nga sa makakasama sa buhay ang mahirap gawin :)

Raft3r said...

archieviner, Nyahaha. Magaling talaga yan si mokong!

fiel-kun said...

since tungkol sa pagpipilian ang topic mo, bagay na bagay dito yung peyborit kong quote:

It is our choices that shows what we truly are, far more than our abilities...

Visual Velocity said...

I like! Paborito ko ito.

Raft3r said...

fiel-kun, Nice. Who said that?

visual velocity, May mga susunod pa! Baka magtampo mga yon sayo. Hehe

Wendy said...

Love the title and the closing paragraph. :)

Raft3r said...

wendy, Sakin ang credit sa title. The rest Bulakbolerong-Bulakbolero na. Hehe

Anonymous said...

wala tayong panama kay bulakbolero denoy. wala tayong masusulat at wala din tayong masasabi. makapagsara na nga din ng blog.

Raft3r said...

prinsesamusang, Nyahaha. Hwag kang magsara muna. Paunahin mo muna ako. Hehe

gillboard said...

Dumaan para bumati ng maligayang pasko!!!

Raft3r said...

gillboard, Balik ka uli mamaya at may Christmas post! Hehe. Maligayang Pasko!

eden said...

ganda pagka sulat. love the title too

Raft3r said...

eden, Ayos yan si Bulakbolero! Hehe

hitokirihoshi said...

sa lahat ng guest blogger mo dito, kay bulakbolero ako palagay, hahaha. alam na kung bakit?

1) Posibleng hindi ang gusto mo yung ibibigay sa’yo.

true ito, pero minsan hindi naman malayo pero mas meaningful at iba ang dating.